Friday, 1 May 2009

Dinggin ang aking panalangin

nakatingin sa dagat
tinatanaw ang pag lubog ng araw
sadyang napakagandang tanawin
subalit sa puso ko'y may nadaramang sakit
kay gandang lugar ang aking kinaroroonan
subalit bakit ako nalulumbay?
sa isip ko ika'y ni minsa'y hindi nawalay
pinipilit ko na ika'y limutin
upang ako ay makawala sa sakit
at hapding nadarama kapag ikaw ay naiisip.
alam ko na ikaw ay malaya na
sa iyong nakaraan na nanakit sayo ng sobra
ikaw at ako ni minsan ay hindi nagkasundo
walang pag-uusap na hindi nagtatalo
kaya ngayon.. eto ako
nakatingin na lamang sayo mula sa malayo
ang makita kang naka ngiti
sa aking puso ay nagdudulot ng hapdi
pagkat alam ko na ang iyong ngiti
kahit kailan ay hindi dahil sa akin
eto ako ngayon nakatingin sa langit
naka tingala sa mga ulap at nananalangin
na sana ang sakit na nadarama ay mapawi
nitong maganda lugar na aking kinaroroonan
sana lahat nang sakit ay makalimutan





No comments:

Post a Comment