Thursday, 23 April 2009

Mahal pa rin kita

Maraming mga tanong sa aking isipan
Ako ay nahihirapan mag hanap ng kasagutan
Maraming mga bagay ang pumapasok sa aking isipan
Mga bagay na akala noon ko pa kinalimutan
Sa tagal ng panahon ako ay umiwas sa pag-ibig
Umiwas sa pagmamahal at kahit na ano mang damdamin
Inakala ko na ito ang mas makabubuti sa akin
Ang maging manhid para hindi makaramdam ng kahit ano’ng sakit
Subalit nito’ng nakaraang buwan lamang ako’y nag mahal muli
Sa isang kaibigan na ako ay hindi kayang mahalin
Noong una inakala ko na ito’y awa at hindi pag-ibig
Sapagkat sya ay dumaranas ng sobrang sakit
At bilang isang kaibigan ako ay handang umalalay at makinig
Subalit noong huli ako ay nakadama na ng sakit
Ako ay nagsimula nang mag tanong sa aking sarili
Bakit ako nasasaktan? Bakit ako umiiyak?
Hindi ba kami ay mag kaibigan lamang?
Ang mga tanong na ito hanggang ngayon ay nasa aking isipan
At ako ay nahihirapan mag hanap ng kasagutan
Ako ay umiwas sa pag aakala na ito ay makakatulong sa akin
Subalit lalo lamang ako nangulila at napapaisip
Paano kung maari mo pala akong mahalin sa huli?
Paano kung mag bago ang iyong damdamin?
Ako ay muli’ng bumalik sa iyong tabi
Naging kaibigan at taga pakinig
Ngunit nalaman ko na ikaw ay may minahal nang iba
Gumuho lahat ng aking pag asa
Tumulo ang aking mga luha
Ang puso ko ay nasasaktan ng sobra
Ngayon sinubukan ko muling lumayo
Kahit pagiging kaibigan mo ay tinalikuran ko
Masakit ngunit ito lang ang tanging paraan ko
Upang mga sugat ko ay gumaling at ako ay makatayo
Ang malamang ikaw ay Masaya sa piling niya
Masakit ngunit ako din ay natutuwa
Na ikaw ay nakakita na ng para sayo
Sa ngayon ako ay nanatiling nagmamahal sayo
Hindi ko alam kung kailan ito mawawala sa aking puso
Mahal kita ngunit may mahal kang iba
Ito ang kinakaya kong tanggapin sa aking puso’t isipan.
Sa ngayon sana ako ay iyong hayaan
Na mahalin ka kahit sa malayuan.

1 comment:

  1. Pragmatic Play set for release on mobile casino - JT Hub
    Pragmatic Play's new mobile 시흥 출장안마 casino, in our recent 서울특별 출장마사지 announcement at the 순천 출장샵 International Consumer Electronics Show in Las Vegas, 김포 출장샵 Nevada, 정읍 출장안마

    ReplyDelete